Halika’t Palaguin ang Turismo ng                                 Bayang Atin!


         
Ayon sa Philippine Tourism Campaign Japan, ang ginagastos ng mga dayuhang bisita ng bansa ay nagpapalakas sa ekonomiya. Lumilikha ito ng mga bagong trabaho para sa mga mamamayan ng bansa. At ang mga dayuhang bisita ang nagiging dahilan kung bakit nafi-feature sa CNN at Discovery Channel ang isang bansa para sa mas malawak na exposure.
Nitong nakalipas na apat na taon ay nakapagtala ng malaking pagtaas ng bilang ang Pilipinas sa mga dayuhang bisita nito. Magandang balita ito kung tutuusin. Ibig sabihin nagpe-payoff ang ginagastos sa kampanya ng Pamahalaan at ng Department of Tourism (DOT) sa pag-engganyo ng mga turista papunta sa ating Philippines.
Kaya lang, kung titingnan ang statistics ng Pilipinas at ikukumpara ito sa South East Asia, makikita na napag-iiwanan pa rin pala ang Pilipinas sa lagay na yan. Kung ganoon, ano pa ba ang dapat isapatupad ng bansa para dumugin ito ng di-makahulugang karayom na turista araw-araw?

Mga hakbang upang mapaunlad ang turismo ng bansa.
1. Cover the Basics
Maayos ba yung mga matutuluyan? May kuryente ba? Maayos ba yung mga kalsada at establishments?
2. Ayusin ang mga airport
Mae-estima mo kung anong klaseng bansa ang pinupuntahan mo sa klase ng airport na meron sila.
3. Solusyunan ang karahasan at krimen
Kung hindi natin masiguro ang kaligtasan ng mga Pilipinong nakatira na sa Pilipinas, paano pa natin masisiguradong ligtas ang mga dayuhang bumibisita sa ating bansa?
4. Kahandaan sa mga natural calamities
Maging mas handa tayo hindi lang para sa personal nating kaligtasan kundi para rin sa kapakanan ng mga bisita natin.
5. Sugpuin ang katiwalian
Ito ang puno at dulo kung bakit hindi natin magawang maka-angat bilang isang tourist spot sa Timog Silangang Asya.

Mga Sanggunian
ASEAN Tourism Statistics
Special CNN Report: Philippines Tourism

Mga Komento